Wednesday, August 3, 2011

Abreeza as to PWD Accessibility


So far, ang dami pang dapat i-improve ng Abreeza Ayala Mall in terms of PWD accessibility. Pagbaba ko palang sa taxi, ito unang una ko napansin. My isang signage nakalagay itong wheelchair icon, so i was expecting my ramp don. But to my dismay, ang ramp pala andon pa sa dulo.Naghanap ako ng pwede ko sana makausap don kaso dahil sa pagmamadali kasi gutom na din, hindi nalang. At ito pa, ang daming lugar na mejo elevated, ‘yon bang pagbaba mo ng wheelchair magugulat ka kasi hindi pala pantay ‘yong dinadaanan mo. At ito pa, ang napuntahan kong CR for handicap, under construction pa daw. Bakit ganun, kung iisipin ang isang handicap CR kunti lang nman ang deperensya sa isang ordinaryong CR bat hindi pa nila matapos tapos? Isa pa, isang “bowl” lang nman yan.

Still hoping that as the construction is still on going in that said mall, they might be able to realize all these things. Just a reminder that there are PWDs (Persons With Disability) who went to malls alone just like me and I am saying this in behalf of my fellow PWDs. Hindi lamang ‘yong mga naka wheelchair pati yong ibang my kapansanan. So sana matuunan ito ng pansin.

No comments:

Post a Comment

Instagram: @behindrollingchair